Sa pamamahagi
Ipinapamahagi ni Amihan Malaya ang lahat ng materyales na kanyang nililikha. Ang bawat dokumento at sining biswal ay maaaring ipalaganap sa anumang paraan o anyo. Ang mga materyales na ito ay mapapakinabangan sa ating mga pampulitikang gawain.
Sa pagkumento at pagkontak
Hindi nagsasagawa ng kahit anong klaseng komunikasyon si Amihan Malaya. Ang mga interesadong personalidad ay maaaring magpadala ng mga kontribusyon sa amihanmalaya(AT)gmail(DOT)com.
Sa pag-link
Hindi basta-basta na lamang nakikipag-palitan ng link si Amihan Malaya. Ang mga organisasyon na nais mag-link sa amin ay kailangang humingi ng pahintulot. Hindi namin kinikilala ang lahat ng mga organisasyong nag-lilink sa amin. Hindi kami tulad ng karamihang “makakaliwang” grupo na nag-iipon ng mga napakahabang listahan ng blogroll.
Hindi kami mangunguna sa walang kabuluhang pagpapasikat ng mga “makakaliwang” websayt. Ang mga kinikilala lamang ni Amihan Malaya ay yung mga organisasyong itinataguyod ang Maoismo-Third Worldismo at yung mga tunay na kasama sa anti-imperyalistang nagkakaisang prente.
At sa iba pang bagay
Hindi pumapatol si Amihan Malaya sa mga pakawala ng reaksyunaryong estado, sa mga elemento ng mersenaryong militar at pulisya, o anupamang maituturing na kontra-rebolusyonaryo, mabuti pang magpakamatay nalang kayo.
Naniniwala si Amihan Malaya na kapag ang isa’y hindi nakapagsagawa ng imbestigasyon, siya ay walang karapatang magsalita. Sadyang marahas ang labanan ng uri, kaya dapat lang tanggalan ng karapatang magsalita ang mga taong naglalako ng kontra-rebolusyon at reaksyon.
Wala kaming pakialam sa mga First Worldistang “Maoista”. Sa harap ng lahat ng syentipikong ebidensya at pagsusuri, may mga duwag at sampay-bakod parin na tumatanggi sa lantarang parasitismo ng imperyalistang Unang Daigdig sa ating planeta. Mas pipiliin na lamang naming ipagpatuloy ang gawaing rebolusyonaryo.
Ang mga kaaway ay mananalo kapag inilayo nila tayo sa ating mga importanteng gawain!
