Tungkol kay Amihan Malaya

Isa si Amihan Malaya sa mga maagang namulat sa kawalan ng hustisya at katarungan sa daigdig. Ang layuning iwaksi ang daigdig na sadyang ubod ng kabulukan ang siyang nagpursige sa kanya upang pag-aralan ang rebolusyonaryong syensya. Isa siya sa mga kumikilos para makamit ang isang lipunan kung saan walang pagsasamantala’t pang-aapi. Bigyang-wakas ang kapitalismo-imperyalismo na siyang puno’t dulo ng kaapihan at kahirapan ng sangkatauhan! Rebolusyon ang makapagpapalaya sa aping mamamayan ng daigdig! Panahon na upang ating baguhin ang kalagayan! Panahon na upang tayong inaapi ay lumaban!

Ang site na ito ay nakalaan sa pagwasak sa imperyalismo at lahat ng reaksyon gamit ang sining. Ang Iron Five Productions ay ang aming dibisyong pambidyu. Ang bumubuhay sa amin ay ang galit sa nang-aapi at ang pagmamahal sa mga inaapi, nariyan ang rebolusyonaryong tungkuling magpakilos sa paraan ng paglikha ng mapagpalayang sining. Paglingkurin ang sining sa rebolusyon at sambayanan!

Kami ay mga rebolusyonaryong syentista at kami ay pinapatnubayan ng Maoismo-Third Worldismo. Kami ay taas-kamaong naninindigan sa pundasyong linyang pampulitika ng Monkey Smashes Heaven.

1. Ang aming mithiin ay komunismo. Ang Komunismo ay ang katapusan sa lahat ng pang-aapi. Lumalaban kami para sa isang egalitaryang kaayusang panlipunan.

2. Ang pangunahing kontradiksyon ay nasa pagitan ng imperyalismo at ng mga bayang api. Ang pagwasak sa mga gapos ng imperyalismo ang siyang unang yugto sa pagkawasak ng lahat ng pagkagapos. Sa ganitong kalagayan, itinataguyod namin ang mahalagang estratehiya ng Mabuhay ang Tagumpay ng Digmang Bayan!, ni kasamang Lin Biao. Kukubkubin ng pandaigdigang kanayunan ang pandaigdigang kalunsuran. Ang proletaryo sa Ikatlong Daigdig at ang mga kaalyado nito ang siyang kukubkob at gagapi sa kanilang mga kalaban sa Unang Daigdig.

3. Naiintindihan namin na ang proletaryo at ang mga kakampi nito ay lubusang pumapaloob lamang sa Ikatlong Daigdig at sa mga bayang api. Ang Unang Daigdig ay pinamumugaran ng mga parasitikong uri na nakikinabang sa pagsasamantala’t pang-aapi sa Ikatlong Daigdig. Ang mga uring parasitiko ng Unang Daigdig, kabilang na ang mga bought-off na tinatawag nilang “uring manggagawa”, o aristokrasya sa paggawa, ay mga kaaway ng sangkatauhan.

4. Itinataguyod namin ang Unyong Sobyet bago ang pagkaraan ng kaagahan o kalagitnaan ng 1950s, at Tsina bago ang pagkaraan ng kaagahan o kalagitnaan ng 1970s, bilang mga hindi-perpektong ihemplo ng sosyalismo. Ang Kapitalismo ay naibalik ng isang bagong burgesyang uri na isinilang mismo sa Partido Komunista at estado. Anumang nag-iisang taon na itatakda namin bilang eksaktong petsa kung kailan nagwakas ang sosyalismo at naibalik ang kapitalismo ay magkakaroon ng elementong arbitraryo sapagkat ang proseso ng panunumbalik ay kumplikado. Hindi kami makikipagtalo sa usapin ng mga eksaktong petsa.

5. Itinataguyod namin ang tuloy-tuloy na rebolusyon sa ilalim ng Diktadura ng Proletaryo. Itinataguyod namin ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura sa Tsina bilang pinakasulong na hakbang tungong komunismo sa kasaysayan ng sangkatauhan.

6. Itinataguyod namin ang malawakang nagkakaisang prente laban sa imperyalismong Amerikkkano. Sinusuportahan namin ang lahat ng pinagsasamantalahan o inaapi at itinututok ang kanilang mga sandata sa Dambuhalang Satanas, Unkkkle $am.