
Isang liham na naglalaman ng mga katanungan ukol sa alamat ng pambansang proletaryo ng Unang Daigdig:
Ngayon lang ako nakarinig ng mga manggagawa na kayang magsamantala sa kapwa manggagawa. Paano nangyari yun? Ang alam ko, mga kapitalista lamang ang nakakagawa nun sapagkat hawak nila ang kasangkapan sa produksyon. Hindi tama na tawagin ninyong mga parasitiko ang mga manggagawa sa Amerika dahil lamang kumikita sila ng masmalaki kaysa sa mga manggagawa dito sa Pilipinas.
Ang tamang interpretasyon sa pagkakaiba ng kinikita ng mga taga-ikatlong daigdig at ng mga Amerikano ay ganito kasimple: Ang reyt ng pagsasamantala sa Ikatlong Daigdig ay masmalaki kompara sa mga bansang nasa Unang Daigdig tulad ng Estados Unidos. Masmalaking sobrang halaga ang kinukuha ng mga kapitalista sa Ikatlong Daigdig kaysa sa mga kapitalista sa Unang Daigdig.
Hindi galing sa Ikatlong Daigdig ang kanilang dagdag na kinikita. Tumatanggap sila ng malalaking sweldo dahil kakaunti lamang na sobrang halaga ang kinukuha sa kanila. At kung tutuusin, dapat pa silang tumanggap ng masmalaki kapag tuluyan ng naglaho ang pagsasamantala.
Ang sagot ng isang kasama:
Ang mga “manggagawang” Amerikano ay mga net-exploiters. Ibig sabihin nito, sa loob ng sistemang kapitalismo-imperyalismo, ang mga “manggagawang” Amerikano ay tumatanggap ng labis sa buong halaga ng kanilang paggawa sa kagugolan ng Ikatlong Daigdig. Kung ang mga “manggagawa” sa Unang Daigdig ay tumatanggap ng labis sa buong halaga ng kanilang paggawa, puwes, ang halaga na iyon ay mayroong pinagmumulan sa kung saan man. ie: Sa Ikatlong Daigdig.
Walang kinukuhang kalabisan mula sa “manggagawang” Amerikano. Hindi ibig sabihin na kapag sila ay binabayaran, sila ay pinagsasamantalahan na. Kahit ang mga CEO ay binabayaran. Sa gayong hindi sila nagagawang pagsamantalahan. Ang mapagsamantalahan ay mabayaran ng kulang sa buong halaga ng paggawa. Ang mga “manggagawang” Amerikano, para sa parteng nakakarami, ay hindi man lamang gumaganap sa paglikha ng mga produktong pangkalakal. Ginagampanan nila ang pamamahala, distribusyon, at mga sektor ng serbisyo. Sa madaling salita, hindi man lamang sila gumaganap sa paglikha ng halaga, ginagampanan nila ang bagay na tinatawag ni Marx na, realisasyon ng halaga.
Hindi nilalang ng mga “manggagawang” Amerikano ang halagang napupunta sa kanilang mga bulsa, tumatanggap sila ng hati mula sa napakalaking tubo na sila ring tumulong upang maisakatuparan. Ang aktwal na paglikha ng halaga ay nagaganap sa kabilang dako, sa Ikatlong Daigdig. Hindi ibig sabihin nito na ang di-produktibong paggawa ay di-maaaring magpagsamantalahan – Malinaw naman na pwede itong mangyari. Manapa’y ipinapakita nito ang isang halimbawa kung papaano pwedeng mailipat ang halaga mula sa isang manggagawa sa Ikatlong Daigdig papunta sa isang “manggagawa” sa Unang Daigdig. Sa karagdagan, parami na ng parami ang mga “manggagawang” Amerikano na nagmamayari ng kasangkapan sa produksyon sa pamamagitan ng pamumuhunan.
Inilarawan sila ni Marx yaong mga walang yaman kundi ang kanilang lakas-paggawa lamang na kailangang ibenta para mabuhay sa susunod na araw. Ang proletaryo ang siyang busabos. Sila ang mga hamak ng daigdig. Masmarami pang kayamanan ang mga “manggagawang” Amerikano kaysa sa karamihan ng uring burgesya sa Ikatlong Daigdig. Ang median na arawang kita para sa mga taong (nagtratrabaho at hindi-nagtratrabaho) nasa U$ na may edad 15 pataas ay $119 (USD) bawat araw. (1) Walang mawawala sa tunay na proletaryo kundi ang tanikala ng kanilang pagkaalipin!
Mga tala:
1 (mga) puna
Mga Puna RSS Bakas-pabalik Tagatukoy na URI
Mag-iwan ng puna

[...] (source: amihanmalaya.wordpress.com) [...]