
(monkeysmashesheaven.wordpress.com)
Ang median na taunang kita ng pamilya nuong 2006 ay $48,201 (USD) ayon sa Census Bureau ng Estados Unidos. (1) Bawat miyembro ng pamilya (kasama na ang lahat ng miyembrong nagtratrabaho at hindi-nagtratrabaho na may edad 14 pataas) ay kumikita ng $26,036 (USD). (2)
Ano ba ang median? Ang median ay malalaman kapag isinaayos ang lahat ng kita mula sa pinakamahirap hanggang sa pinakamayaman, at pagkatapos, pipiliin ang kita sa kalagitnaan, ang kita na naghihiwalay sa kalahating pinakamahirap mula sa kalahating pinakamayaman. Kalahati ng lahat ng pamilya sa Estados Unidos ay kumikita ng higit sa $48,201 (USD). Bawat miyembro ng pamilya, ang kalahati ay kumikita ng higit sa $26,036 (USD).
O sige. Ikonbert natin ang mga numerong ito gamit ang kasalukuyang halaga ng palitan as of February 28, 2008. Magtanong tayo:
Ang isang Pilipino na taunang kumikita ng 1,054,000 Philippine pesos (PHP) ay parte ba ng proletaryo? Ang isang tao sa Estados Unidos na may access sa 1,054,000 Philippine pesos (PHP) sa taunang kita o kapital ay parte ba ng proletaryo?
Ang isang Indian na taunang kumikita ng 1,038,000 Indian Rupees (INR) ay parte ba ng proletaryo? Ang isang tao sa Estados Unidos na may access sa 1,038,000 Indian Rupees (INR) sa taunang kita o kapital ay parte ba ng proletaryo?
Ang isang Nepalese na taunang kumikita ng 1,690,000 Nepalese Rupee (NPR) ay parte ba ng proletaryo? Ang isang tao sa Estados Unidos na may access sa 1,690,000 Nepalese Rupee (NPR) sa taunang kita o kapital ay parte ba ng proletaryo?
Ang isang Mehikano na taunang kumikita ng 278,000 Mexican Pesos (MXN) ay parte ba ng proletaryo? Ang isang tao sa Estados Unidos na may access sa 278,000 Mexican Pesos (MXN) sa taunang kita o kapital ay parte ba ng proletaryo?
Ang isang Sri Lankan na taunang kumikita ng 2,812,000 Sri Lankan Rupees (LKR) ay parte ba ng proletaryo? Ang isang tao sa Estados Unidos na may access sa 2,812,000 Sri Lankan Rupees (LKR) sa taunang kita o kapital ay parte ba ng proletaryo?
Ang isang Peruvian na taunang kumikita ng 76,065 Peruvian Nuevo Sol (PEN) ay parte ba ng proletaryo? Ang isang tao sa Estados Unidos na may access sa 76,065 Peruvian Nuevo Sol (PEN) sa taunang kita o kapital ay parte ba ng proletaryo?
Kung isinagot mo ay “oo” sa mga katanungang nasa itaas, ikaw ay utak-biya. Nararapat sa iyong sumali sa mga hippy cult, sa WWP, sa RIM o di kaya sa isang Fourth International. Ayon sa RIM, na nakasaad sa Draft Programme ng RCP, 90% ng lahat ng tao sa Estados Unidos ay kabilang sa mga rebolusyonaryong puwersa. Ang ibig sabihin nito na ang mga taong may taunang kita ng $100,000 (USD), 4,049,000 Philippine Pesos (PHP), 3,985,000 Indian Rupees (INP), 6,493,000 Nepalese Rupees (NPR), 1,070,000 Mexican Pesos (MXN), 10,800,000 Sri Lankan Rupees (LKR), 292,000 Peruvian Nuevo Sol (PEN), ay kabilang sa mga rebolusyonaryong puwersa sa Estados Unidos, ayon sa RIM. (3)
Kung isinagot mo ay “hindi” sa mga katanungang nasa itaas, ikaw ay mas scientifically inclined o, di kaya, meron ka lang kakayanang makita ang malinaw na katotohanan na walang malawak na pundasyong panlipunan para sa rebolusyon sa loob ng Estados Unidos. Nararapat mong pag-aralan ang Maoismo-Third Worldismo.
Kung ayaw mong sagutin ang mga katanungang ito sa publiko, kahit ba alam mo na ang tamang sagot ay “hindi”, dapat lang na ituring mo ang iyong sarili bilang isang duwag at sampay-bakod. Hindi mo dapat ituring ang iyong sarili bilang isang Marxista o Maoista. Ang mga rebolusyonaryong syentista ay hindi takot ipagsabi ang katotohanan.
Sino ang ating mga kaibigan? Sino ang ating mga kaaway? Ito ay isang katunangan ng pangunahing importansya. Ito ang mga pambungad na salita ng Mga Piling Gawa ni Mao. Ang mga taong hindi marunong kumilala ng mga kaibigan mula sa mga kaaway ay hindi mga syentipikong komunista. Kung walang rebolusyonaryong syensya, ang pagtataguyod ng isang komunistang rebolusyon ay imposible sa pang-matagalang hinaharap. Ang pangunahing dinamiko na humuhubog sa ating daigdig ay ang Unang Daigdig bilang kabuuan ay nang-aapi at nagsasamantala sa Ikatlong Daigdig bilang kabuuan. Ang mga taong hindi nakikita ang malinaw na katotohanan na ito ay hindi komunista.
Mga tala:
1. http://pubdb3.census.gov/macro/032007/hhinc/new04_001.htm
2. http://pubdb3.census.gov/macro/032007/hhinc/new02_001.htm
3. http://www.census.gov/hhes/www/income/histinc/h01ar.html (using a rough estimate slightly over the bottom of the fourth quintile)
Mga Puna
Mga Puna RSS Bakas-pabalik Tagatukoy na URI
Mag-iwan ng puna

[...] rin ang: Amerikkkans Rich, Indians Poor, High cost of living in the Third World, Simpleng katanungang idadaan sa numero.. Ang nakakarami sa United Snakes: rebolusyonaryo o hindi?, Why one 19th century racist liberal was more politically advanced than all of today’s white [...]
[...] ang: Amerikkkans Rich, Indians Poor, High cost of living in the Third World, Simpleng katanungang idadaan sa numero.. Ang nakakarami sa United Snakes: rebolusyonaryo o hindi?, Why one 19th century racist liberal was more politically advanced than all of today’s white [...]
[...] (pinagmulan: monkeysmashesheaven.wordpress.com; translated by amihanmalaya.wordpress.com) [...]