Mayo 9, 2009
Mga Kategoriya: Agitation Posters, Digmang Bayan, Kontra-imperyalismo, Maoismo, Maoismo-Third Worldismo, Pambansang Paglaya . . May-akda: amihanmalaya . Mga puna: Mag-iwan ng Puna


Maligayang pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng Manggagawa!

Also available in english.

Bukang liwayway sa Silangan
Nasikat sa Silangan ang araw at nalubog sa Kanluran
(monkeysmashesheaven.wordpress.com)
Maligayang bagong taon ng 2008!
Kami ay maraming kinilalang mga kasama sa nakaraang buwan ng Disyembre. Wala nang ibang mas makabubuting paraan upang kilalanin sila kundi sa pagsusulong sa rebolusyonaryong layunin. Kamakailan lamang, ang pang-ideolohiyang rebolusyonaryong taliba ay umaandar sa loob ng balangkas ng isang panibagong yugto ng Marxismo. Sa pagpasok ng bagong taon, lilinawin namin ang batayang balangkas nang mas detalyado.
Ang pagpapangalan sa bagong yugtong ito’y naging kinakailangan dahil sa pagrami ng mga huwad na Maoistang organisasyon.
Ang Unang Daigdig ay sinasalot ng mga organisasyong nagsusulong ng Trotskyistang permanenteng rebolusyon sa ilalim ng bandera ni Mao. Ang Unang Daigdig ay sinasalot ng mga organisasyong nagsusulong ng nasyunalismong Puti at sosyal-pasismo sa ilalim ng bandera ni Mao. Ang Unang Daigdig ay sinasalot ng mga organisasyong gumagamit ng mga kadaldalang hype kapalit ng syentipikong pagsusuri. Ang mga organisasyong ito ay mapanira, mga bumabalakid sa daan ng mga tunay na rebolusyonaryo sa hakbang pasulong, sa pagtangan ng opensiba dala ang sarili nating mga breyktru. Hindi ibig sabihin na sasayangin namin ang aming panahon sa mga peke; walang tunggalian ng dalawang linya sa pagitan namin at ng mga peke sa Unang Daigdig.
Hanggang sa abot ng aming masasabi, sa loob ng mga rebolusyonaryong kilusan sa Ikatlong Daigdig, walang makahulugang teoretikong pagunlad magmula pa nuong Rebolusyong Pangkultura sa Tsina. Sa katotohanan, nagkaroon pa ng retrogresyon. Halimbawa, ang pagtatalo hinggil sa “Marxismo-Leninismo-Maoismo” laban sa “Marxismo-Leninismo at kaisipang Mao Zedong” nuong 1980s at 1990s ay isang con na itinalaga ng mga self-serving at self-important ideologically moribund RIM parties at iba pa. Ang kahalagahan ng Maoismo bilang isang unibersal na bagong yugto ay naipaliwanag na sa sistematikong pamamaraan ng mga Maoista, lalo na si Lin Biao, nuong kasagsagan ng Rebolusyong Pangkultura. Ang bagong yugtong ideya ay pamosong ipinaliwanag bago pa man at sa mismong ulat ng Ikasiyam na Kongreso nuong 1969, pero sa kalaunan ay tinanggalan ng pagpapahalaga sa Ikasampu nuong 1973. Maliwanag pa sa sikat ng araw sa sinumang makasulyap sa literaturang Tsino ng panahong iyon. Kakatwang isipin, ang katotohanang ito’y hindi nawala sa maraming mga lantarang rebisyunista na palagiang pinapangalanan ang mga iba’t ibang debateng ito bilang “Lin Biaoista”. At ang mas malala pa’y pinatulan ng napakarami itong charade ng bulaang pagsulong, kahit mismo sa Ikatlong Daigdig. Itong sinasadyang paglimot sa kasaysayan ay sumasalamin sa mahinang katayuan ng mga kilusan.
Sa Hilagang Amerika, ang mga nagsilbing tanglaw sa kadiliman sa nakaraang dalawang dekada ay ang ngayong nabulok na Maoist Internationalist Movement (MIM), itinatag nuong 1984, at ang ngayong nalansag na It’s Right To Rebel Cell (IRTR), itinatag nuong 2005. Ang MIM, habang naglulunsad ng mga tunay na pagsulong sa syensya ng pandaigdigang pagsusuri sa uri, ay tuluy-tuloy nang nabagsakan ng bato sa sariling mga paa. Marahil ang MIM ay nasadlak sa dogma na nagpasama sa pangkalahatang kredibilidad. Ang dogmatismong ito ay sanhi ng pagiging debensibo at sobrang reaktibo tungo sa mga huwad na Maoista. Kaysa ipagpatuloy na lamang ang opensiba para sa pangkalahatang syensya, upang wasakin ang paraiso, umiral ang MIM sa isang modang sobrang depensibo ng pagpipilit iproklama ang sarili bilang orthodox kaugnay sa mga peke. Kakatwang isipin, bukod sa larangan ng pandaigdigang pagsusuri sa uri kung saan ang MIM ay nagdulot ng maraming bigwas, sa isang pangunahing larangan kung saan lumarga ang MIM sa pang-ideolohiyang opensiba, dinampot nila ang bato ng kasarian upang bitawan lamang sa sariling mga paa. Humantong sila sa pagmamasama sa sarili nilang mga tunay na pagsulong sa pandaigdigang pagsusuri sa uri na may magulong Trotskyistang pangkasariang oryentasyon. Naging mapangwasak-sa-sarili ang MIM sa kanilang praktika, pamumuno, at estilo ng trabaho: Kailan ma’y hindi nakakita ang MIM ng isang tasa ng tsaa na walang bagyo. Sa loob ng nakaraang humigit-kumulang isang taon, unti-unting sumama ang imahe ng MIM at tuluyan nang naging isang mapanirang organisasyon na ang pangunahing gawain ay upang pasamain ang Maoismo at sabutahihin ang gawaing rebolusyonaryo. Sa kabila ng mga padalus-dalos na atake ng MIM, ang IRTR, isa sa mga grupong aming sinundan, ay maiging nagambag sa mga pagsulong sa larangan ng pandaigdigang pagsusuri sa uri, ang porma ng diktadura ng proletaryo, gawaing pangkultura at kasaysayan. Subalit, naabot ng IRTR ang kanyang limitasyon sa maari pa niyang gawin dahil ang IRTR ay sobrang natatakan ng mga kostumbre ng MIM. Ang IRTR ay nagsilbing tulay.
Dalawa ba, tatlo, marami bang Maoismo?
Pinagtalunan ng mga rebolusyonaryo ang mga bansag na “Maoismo” at “Kaisipang Mao Zedong” sa paano pa man magmula pa nuong Rebolusyong Pangkultura. Ito ay hindi isang labanan na tayo ay mananalo. Upang liwanagin ang ating mga tunay na pagsulong, upang makalusot sa Gordian knot ng mga nagsasagupaang “Maoismo,” papangalanan namin ang isang panibagong yugto ng rebolusyonaryong syensya. Pinagkaugaliang inililinaw ang mga yugto sa paraan ng pagdagdag ng hulapi na ipinangalan sa pinakahuling pangunahing teorista. Isang halimbawa, ang “Maoismo” ay idinagdag sa “Marxismo-Leninismo” para maging “Marxismo-Leninismo-Maoismo.” Kami ay lilihis sa ganitong tradisyon dahil ang walang katapusang pagdadagdag ng hulapi sa bawat bagong pagpihit at pagliko hanggang sa maabot natin ang komunismo ay mahirap pangasiwaan. Hindi namin gagamitin ang bansag na “Lin Biaoismo” dahil ang mga kontribusyon ni Lin Biao ay hindi sapat na makahulugan sa sarili nito. Ang Mabuhay ang Tagumpay ng Digmang Bayan! ni Lin Biao ay ipinakita lamang ang daan. Sa karagdagan, ang talambuhay ni Lin Biao ay hanggang sa ngayo’y pinagtatalunan pa ng mga rebolusyonaryo, kaya masyadong nakapagpapahati ang “Lin Biaoismo”. Hindi namin gagamitin ang “MIMismo” dahil ang mga ideya na bumubuo sa bagong yugto ay hindi pagaari lamang ng MIM. Ang mga ideya ay umiral sa iba’t ibang anyo bago pa man nagkaroon ng MIM. At saka, ang gayong bansag ay naging isang napakalaking pananagutan dahil sa mga pagkakamali at dehenerasyon ng MIM. Sa halip, tutukuyin namin ang unibersal na panibagong yugto na ito bilang “Maoismo-Third Worldismo” sa ngayon. Ang mga pagkakaibaiba sa katagang ito ay ilang dekada nang ginagamit ng mga rebolusyonaryo at ng kanilang mga detractor. Ang bansag na ito ay hindi sinadya upang lumihis mula sa mga tamang kontribusyon nina Marx at Lenin sa anumang paraan. Sa katunayan, itinapon na ng mga peke ang mga gawaing pang-ekonomya ni Marx, yamang ang aming kilusan ay isinalba ang Kapital ni Marx bilang isang mahalagang buhay na teksto. Hindi ito dapat ipagkamali.
Ang Maoismo-Third Worldismo ang siyang tanging tunay na Maoismo ngayon. Inaamin namin na si Mao ay hindi isang Maoista-Third Worldista. Ganunpaman, si Lin Biao ay posibleng naging isa. Kahit na ang mga Maoista sa Tsina, kabilang na si Mao, ay nagkamali, babansagan pa rin namin silang mga “Maoista”. Papalampasin namin sila dahil ang pandaigdigang pagsusuri sa uri sa kaibuturan ng Maoismo-Third Worldismo ay hindi pa tuluyang nahinog nuong kapanahunan nila. Mula nuong araw ni Mao, umunlad ang syensya. Ngayon, yaong mga naniniwala na ang mga “manggagawang” Unang Daigdig ay mga kakampi ng masang Ikatlong Daigdig ay walang pinagkaiba sa yaong mga naniniwala na ang burgesyang Unang Daigdig ay mga kakampi. Ang kawalang-kakayanan ng mga pangmasang kilusan upang kilalanin ng wasto ang mga kaibigan mula sa mga kaaway ay laging nangangahulugan ng kabiguan sa pangmatagalan. Kamakailan natin itong matatanaw sa yaong mga partidong sumoporta sa RIM at sa maka-imperyalistang pamumuno nito.
Gagamitin namin ang mga bansag na “huwad na maoista” o “tagahanga ni Mao” para ipantawag sa mga yaong itinataguyod ang Maoismo subalit itinatakwil ang Maoismo-Third Worldismo. Ang naunang ngalan ay gagamiting pantawag sa mga yaong nasa labas ng nagkakaisang prente laban sa imperyalismo. Ang huli ay pwedeng pantawag sa mga yaong pumapaloob sa nagkakaisang prente laban sa imperyalismo. Lagi naming lilinawin na ang mga yaong itinataguyod ang Maoismo subalit itinatakwil ang Maoismo-Third Worldismo ang siyang mga bagong modernong rebisyunista. Lagi naming lilinawin na ang Maoismo-Third Worldismo ang siyang rebolusyonaryong syensya ng kasalukuyang panahon.
Anong mga breyktru ang nasa kaibuturan ng Maoismo-Third Worldismo?
1. Sino ang ating mga kaaway at sino ang ating mga kaibigan? Sa kaibuturan ng rebolusyonaryong syensya ngayon ay ang pagkilala na ang Unang Daigdig, ang metaporikong Kanluran, ay walang makahulugang uring panlipunan na pwedeng iugnay sa kahit anong maaasahan o mapagtibay na paraan sa Ikatlong Daigdig, ang metaporikong Silangan. Walang proletaryong Kanluranin. Walang makahulugang pinagsasamantalahang uri o grupo sa Unang Daigdig. Mayroong mga uring minorya, ang inaaping populasyon ng mga migrante at preso. Sa kasalukuyan, ang karamihan sa uring minorya na ito ay nasa state of flux at sila ay sobrang nakakaunti upang maging pangunahing pundasyon para sa rebolusyonaryong pagbabago sa loob ng Unang Daigdig. At sa karagdagan, ang populasyon ng mga nabihag na bayan sa loob ng Unang Daigdig, habang dumaranas ng pambansang pangaapi, ay materyal na nakikinabang dahil sa kanilang proksimidad sa puso ng sistemang kapitalista-imperyalista. Hindi sila karaniwang pinagsasamantalahan, hindi sila maaasahan at hindi sila ganoon katibay upang maging pundasyong panlipunan sa isang rebolusyon. Walang makahulugang “proletaryo” na nakapag-iisa sa Kanluran. Ito ay napatunayan ng pandaigdigang pagsusuri sa uri.
2. Sa kaibuturan ng rebolusyonaryong syensya ngayon ay ang pagkaunawa na ang pangunahing kontradiksyon ay nasa pagitan ng Kanluran at ng Silangan, ng Unang Daigdig at ng Ikatlong Daigdig, ng pandaigdigang kalunsuran at ng pandaigdigang kanayunan, ng imperyalismo at mga bayang api. Ang pangunahing kaaway ng mamamayan ng daigdig ay ang imperyalismo, lalo na ang imperyalismong Amerikano. Pinagtitibay ng rebolusyonaryong syensya ang malawakang nagkakaisang prente laban sa imperyalismo.
3. Sa kaibuturan ng rebolusyonaryong syensya ngayon ay ang modelo ng pandaigdigang digmang bayan na nakaugnay kay Lin Biao. Ang mga bayan sa Unang Daigdig ang siyang pandaigdigang kalunsuran. Ang mga bayan sa Ikatlong Daigdig ang siyang pandaigdigang kanayunan. Ang pandaigdigang rebolusyon ay maaring ihalintulad sa isang rumaragasang baha ng digmang bayan na sumusulong parang alon upang kubkubin at durugin ang pandaigdigang kalunsuran mula sa pandaigdigang kanayunan. Ang pulang araw ng pandaigdigang rebolusyon ay magmumula sa dakong Silangan patungo sa dakong Kanluran.
4. Sa kaibuturan ng rebolusyonaryong syensya ngayon ay ang pagpataw ng isang pinagkaisang diktadura ng mga bayang api at mga kaalyado nito laban sa mga populasyong mapagsamantala. Kinakailangan ang pagsasaayos ng account kasama ng Unang Daigdig bilang kabuuan. Kinakailangang pagbayarin ng malalaking bayad-pinsala ang Unang Daigdig bilang kabuuan sa mga bayang kanilang inapi at pinagsamantala. Kinakailangan ang pagkabuwag ng U.S. at Kanada (Ang bayang Puti) bilang mga soberanyang bansa. Kinakailangan ang pagbigay suporta sa pambansang pagpapalaya at sariling pagpapasya ng mga bayang api (ngunit madalas na hindi pinagsasamantalahan) na hanggang sa ngayo’y nabibihag sa loob ng mga hangganan ng Unang Daigdig, lalo na sa loob ng mga hangganan ng U.S. at Kanada. Kinakailangang isauli ang lupain.
5. Sa kaibuturan ng rebolusyonaryong syensya ngayon ay ang pagpapatibay na may bagong burgesya na uusbong sa puso ng kapangyarihan ng lipunang sosyalista. Ang bagong burgesya na ito ay uusbong sa ilalim ng diktadura ng proletaryo dahil sa mga natitirang problemang pang-ideolohiya, problemang pang-istraktura, at hindi pagkapantay-pantay. Ang mga problemang ito ay humantong sa mga kapitalistang kontra-rebolusyon sa Unyong Sobyet nuong 1950s at sa Tsina nuong 1970s. Ang mga Rebolusyong Pangkultura ay kinakailangan upang ipagpatuloy ang pasulong na momentum sa ilalim ng diktadura ng proletaryo, sa ganitong paraan maiiwasan ang kontra-rebolusyon. Ang mga sanhi para sa kapitalistang panunumbalik ay hindi lamang pangkalooban, kundi panlabasan rin sapagkat ang bagong burgesya ay pwedeng maging komprador. Ang Rebolusyong Pangkultura sa Tsina ay ang pinakasunong na hakbang tungong komunismo sa kasaysayan ng sangkatauhan.
6. Sa kaibuturan ng rebolusyonaryong syensya ngayon ay ang parehong pagtakwil sa Teorya ng mga Produktibong Puwersa at ang kaisipan na ang sosyalismo ay isang pagpapalawig at demokratisasyon lamang ng pribilehiyong burges. Kinakailangang itakwil ang buong implikasyon ng Teoryang ito, samakatwid, kinakailangang itakwil ang kaisipan na ang burges na pamantayan ng pamumuhay ng mga taga-Unang Daigdig bilang kabuuan ay resulta ng anupaman maliban sa labis-labis na pagsasamantala sa Ikatlong Daigdig. Ang kabiguang maunawaan ang puntong ito ang siyang nagpapahintulot sa mga ideolohiyang bagong-burges at First Worldista upang pasamain ang sosyalismo.
7. Sa kaibuturan ng rebolusyonaryong syensya ngayon ay ang muling pagpapatibay sa doktrina ng diktadura ng proletaryo. Bawat aspeto ng lipunan ay markado ng kapangyarihan. Walang nyutralidad ng uri. Walang nyutral sa uri na institusyon ni nyutral sa uri na larangang pangkultura na pwedeng magsilbing daan upang makamit ng proletaryo ang kapangyarihan. Ang isang lipunan, kabilang ang estado nito, ay maski halos ganap na proletaryo o halos ganap na hindi-proletaryo. Ipinapahiwatig nito na imposible ang ideya na ang proletaryo ay puwedeng makipaglabanan sa loob ng isang tradisyunal na demokratikong balangkas para sa pang-estadong kapangyarihan. Kinakailangang wasakin ang lumang daigdig gamit ang panlahatan na dalawahang institusyunal at pangkulturang kapangyarihan.
8. Ang kaibuturan ng rebolusyonaryong syensya’y muling pinagtitibay na ang digmang bayan, pangkalahatang pakahulugan, ay kailangang itaguyod hanggang wakas. Kung walang digmang bayan, hindi makakamit ng proletaryo ang pang-estadong kapangyarihan. Kung walang hukbong bayan, wala ni anuman ang mamamayan.
Ang pagpapalagay ng sinuman sa mga puntong ito ay isang pananda kung siya ba’y isang rebisyunista o hindi. Hindi namin alam kung saan nakatindig sa mga usaping ito ang bawat partidong nagpapakilala bilang Maoista. Umaasa kami na ang mga tagahanga ni Mao sa Ikatlong Daigdig at ang mga sampay-bakod na umanib sa tunay na rebolusyonaryong syensya. Kung ikaw ay umanib sa syentipikong landas, tatanggapin namin kayo bilang mga kasama. Kung hindi man, hayaan na lang. Hindi nakapaghihintay ang araw.
Mapulang pagpupugay sa lahat ng yaong hinawan ang landas! Tagumpay para sa Ikatlong Daigdig! Tagumpay para sa Proletaryo! Kamatayan para sa Kanluran! Kamatayan sa Amerika! Nasikat sa Silangan ang araw at nalubog sa Kanluran.